Categories
Books Non-Fiction

The Whole-Body Microbiome by B. Brett Finlay and Jessica M. Finlay | Book Report

READ THIS IF…

  • You’re interested in learning how probiotics contribute to quality of life and can increase lifespan
  • You need a detailed reminder why eating a healthy diet and regular exercise are good for you
  • You don’t mind the book being too medical or scientific-y (?) sometimes

Lately nagkaron ako ng ‘health and wellness phase’ so naghanap ako ng mga libro under this genre. Meron kasi akong mga karamdaman pero hindi naman malala. Pero ang dami. Yung isa medyo malala pala kasi twice na kong na-surgery dahil don pero manageable naman as of now. At ayoko nang mas dumami pa at maoperahan ulit so biglang isang araw na lang, sobrang naging aware ako dun sa mga existing medical issues ko kaya gusto kong mas maging proactive pagdating sa health ko.

Isang naisip ko nga ay magbasa ng mga libro about promoting health at ang isang napili ko ay ito ngang The Whole-Body Microbiome. Ang subtitle nya ay: How to Harness Microbes—Inside and Out—for Lifelong Health.