Categories
Pilipinas Travel

first anniv celeb

First anniv namin kahapon. Nakaplano na pagpunta namin sa Puerto Galera. Eh di Saturday (April 21, 2012) eh pumunta na ko sa kanila. Nagaway pa kami ng konte nun. Haha. 5:30am on the way na ko. Tas tinatawagan ko sya ginigising ko. Tas nagising na din. Tas nung malapit na ko tinatawagan ko lit kasi di nagteteks. Yun pala tulog pa. Tas nagaway pa kami sa phone nun ba’t daw ba ko nagagalit. Eh kasi naman akala ko naliligo na sya yun pala saka pa lang nung pagdating ko. Sorry naman ng sorry nung pagdating ko sa kanila. Halos 4am na kasi nakauwi galing inuman. Kakasura. Tas nagbati na din kami mga 7am ata kami nakaalis sa kanila. Ang alam ni Mame eh kasama namin mga college friends ko. Hehe.

Nagwithdraw pa sya tas bumili ng sausage mcmuffin with egg sa McDo kasi di pa sya nakain. Kawasa anong oras na gumising. Tas balak pa daw nya eh ipanggagawa nya ko ng sandwich. Hmp. Asan?? Haha.

Ang sinakyan naming bus eh yung Supreme na ordinary. Mas mabilis daw kasi dun.

Halos 3hrs yung byahe papuntang Batangas Pier. Pinagtatawanan pa namin yung mga bahay sa Batangas kase halos parepareho yung style. May mini patio tas may white metal chairs. Haha.

Pagdating namin sa Batangas Pier andaming tao. Weekend kasi tas summer pa. Tas may nag-assist samin dun, sya yung bumili ng ticket, pumila saka sya din kumuha nung mga kung ano pang kelangan. Bait naman ni kuya. Sabi ni Kenneth parang naghihintay daw bigyan ng parang tip. Di naman namin binigyan. Hehe.

Mga 10am kami andun. Tas ang alis nung bangka eh 12:30pm. Haha antagal namin naghintay. Kumain muna kami dun sa waiting area. Nakakatawa yung creamy chicken sandwich eh. Ang naiimagine ko ba eh chicken strips na may creamy sauce. Aba yung chicken spread lang pala yun. Mukang tanga eh.

Tas picture picture lang kame dun.

Tas sa wakas nag-12:30pm na. Pasakay na kame ng bangka tas may amerikanong amoy kili-kili na iniiwasan naming makatabi. Haha. Bute pumunta sya sa pinakadulo. Tas small world kasi may nakita akong nagtatrabaho sa Carmel, kasakay namin sya sa bangka. Di talaga kami magkakilala pero nagbatian kami. Nagulat kami sa isa’t isa. Haha.

Si Kenneth eh madaling nakatulog. Tas first time daw nya bumyahe ng bangka.

Ang sarap daw matulog sa bangka. Nakatulog ako eh nung medyo malapit na kami sa Sabang Beach. Nadisappoint kami kasi ansama nung beach, bato-bato. Basta di maganda. Hindi suitable magswimming. Tas medyo malayo yung nilakad namin papunta sa hotel namin. Ako eh naiirita na kasi ang init tas ambigat pa nung dala ko. Hai. Kakapagod talaga. Hingal kami eh. Pero ang ganda nung hotel. Parang sya na ang pinakamaganda sa lahat. May welcome drinks na binigay (orange juice) tas pinaupo muna kami sa resto nila. Tas ni-tour na kami sa room namin. Ang ganda nung room. Spacious. May jacuzzi pa (ang alat nung tubig). Nakakatawa si Kenneth enjoy na enjoy dun sa jacuzzi. Nagpaiwan pa dun. Haha. Napadami pa yung lagay ko nung body wash kaya sobrang bumula. Aawas na halos. Yun pala ang una naming ginawa pagpunta dun sa room. Nag-jacuzzi. Ai hindi pala. Haha.

Tapos nun naguli-uli kami dun sa lugar. Hindi talaga maganda yung beach. Nakakadisappoint. Kung alam ko lang. Dun daw sa White Beach maganda. Etong Sabang daw eh more on diving activities. Pansin nga namin. Andaming Dive Shops. May part dun na maganda yung buhangin. Parang powder. Tinanggal ko yung tsinelas ko tas ansarap sa paa nung buhangin. Nakaka-relax 🙂

Bago pala kami pumasok ng hotel may humarang saming mama. Si Kuya Ronel na mandaraya. Basta ang pagkakaintindi namin eh dadalhin nya kami kung san pede mag-snorkel, tas punta daw sa cave tas makikita daw namin yung giant clam sa halagang 1,400. Kami na daw dalwa yun. Basta yun talaga ang pagkakaintindi namin kasi tinanong ko pa lit kung kasama na lahat dun sa 1,400. Oo daw. Sinungaling!

Pagkatapos namin mag-uli kumain kami sa El Galleon. Di ako nasarapan dun sa Pork Cordon Bleu.

Dapat siguro yung Chicken na lang inorder ko. Kakaiba kasi kaya yun ang inorder ko. Pork. Maiba naman. Kala ko masarap. Tas yung Fried Icecream masarap naman medyo kasawa nga lang.

Bumalik na din kami sa hotel pagkakain.

Parang mga 8pm eh inaantok na kami. Tas nag-alarm kami ng 9pm para mag-inom. Napasarap tulog namin, past 11pm na kami nagising. Di kami nagising sa alarm. Yanu. Eh di syempre tinamad na kami mag-inom. Mga antok na antok pa kami. Tas tutulog na kami ulit eh palabas yung Banana Split. Nanood akong konti. Si Kenneth natulog na lit. Tawang tawa ko dun sa dalwang stand-up comedian. Si Fudge lang naalala ko. Haha. Nagising ako kakatawa dun sa dalwa. Mga almost 12am na nun. Naisip kong maginom na kami kahit anong oras na. Ginising ko si Kenneth tas pumayag naman sya na mag-inom pa din. Nagbibihis kami tas tinanong nya ko kung anong oras na. Sabi ko ata eh 12:20am. Tas sabi nya sakin eh, “Happy Anniversary.” hehe.

Nag-inom kami sa Big Apple. Ang init-init. Nagtigisang cocktail drink lang kami. Sama nung Mojito. Tas pulutan namin eh Beef Tacos. Di ko nagustuhan. Si Kenneth nagustuhan nya. Nag-akit ako magbilliards kahit di ako marunong. Pinagpawisan lang ako. Ambulok ko. Haha. Pakiramdam ko eh walang gana maglaro si Kenneth dahil ambulok-bulok ng kalaban nya. Haha.

Umuwi na din kami pagkatapos. Nakakatakot maglakad kasi andilim-dilim. Parang pwedeng pwede ka ma-rape at masaksak dun. Kala pa nga namin eh wala nang bukas na bar kasi nga antahimik. Tas dun pala sa medyo dulo may bukas na medyo lively ang ambiance. Yun.

Nag-alarm kami ng 6am kasi yung activity namin kay Kuya Ronel eh 8am. Bago kami matulog eh nag-jacuzzi kami lit. Tas may ginawang “bright” move si Kenneth. Ang hirap lang ikwento basta alam na namin yun. Hahaha.

Almost 7am na kami bumangon. Male-late na kami. Nahiya pa naman ako kay Kuya Ronel nun kasi mga 8:30am na namin sya na-meet. Tas yun pala peperahan nya lang kami! Hmp.

Masarap yung breakfast. Yung pinili ni Kenneth eh Cornedsilog. Boring. Haha.

Nung nakasakay na kami sa bangka (si Sea Lion) ni Kuya Ronel, excited ako kasi ang alam ko snorkeling nga tas kung ano-ano pa gagawin namin. Tas tumigil kami sa may gitna nung dagat. Sabi samin eh, “ayan yung mga corals” tinuro lang samin yung tubig. Naisip ko, yun na yun? Akala ko snorkeling? Ganun ba ang snorkeling? Tas sabi samin ni Ronel eh kung gusto daw namin magsnorkeling eh ihahatid daw nya kami dun sa maliliit na bangka tas 100 each daw kami per activity. Three activities daw yun. Hindi pa pala kasama yun sa ibabayad namin sa kanya. Hai. Pakiramdam ko nga eh dapat mas malaki ang bayad namin dun kay kuya na nagdala samin dun sa iba’t ibang activities. Pinikchuran pa nya kami. Eh si Ronel anung ginawa? Wala. Tas hindi naman malayo yung pinaghatidan nya samin. Kainis eh.

First activity eh snorkeling. Ganun pala ang snorkeling. Haha. Ansaya nga kasi parang kasama mong naglalangoy yung mga isda. Hehe. Ang gaganda nung mga isda tas andami. Sayang talaga wala kaming water proof cam. Ang gaganda din nung ibang corals.

Second eh dun sa cave. Wala namang special dun sa cave. Anliit lang pati. Parang ansaya lang magpa-picure dun sa butas sa taas nung cave. Tas yun.

Last activity eh snorkeling lit para makita namin yung giant clams. Ok naman. Pero parang mas maganda kung makita namin up-close. Anlayo kasi. Parang mas natuwa pa ko dun sa nakita kong squids. After nun eh di tapos na. Ihahatid na kami kay Kuya Ronel mandaraya. Nung nasa may hotel na kami tinanong namin kung pwede humingi ng discount. Hindi daw kasi ganun daw talaga blah blah blah. WTF.

Naligo na kami pagdating sa hotel. Tas nag-lunch. Chicken with Mango Strips inorder ko.

Si Kenneth eh Hamburger. Di nanaman masarap yung inorder ko. Wala ata akong nasarapan na pagkain dun eh. Maliban lang yung breakfast. Eh ano lang ba yun pinrito lang naman yun.

Gusto pa sana namin pumuntang White Beach eh kulang na kulang na sa oras. Pagka-lunch pumunta na kami sa port hinintay yung bangka. Yun ulit yung sinakyan namin nung pagpunta dun. Mas madami kaming Amerikanong nakasakay. Ambabaho eh. Halos natulog lang kami sa byahe. Nagpahinga muna kami sa kanila tas hinatid na nya ko ng past 10pm.

Overall, ok naman. Di ganun ka-fun ang Puerto Galera pero ok lang kasi kasama ko naman si Kenneth. Ang pinaka-nagustuhan ko lang na ginawa namin dun eh yung snorkeling at jacuzzi. Haha. Or baka naman boring lang talaga sa Sabang Beach. Baka sa White Beach mas maganda. Mas nag-enjoy siguro kami. Next time na lang ulit siguro. Haha.


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment