valentine’s day kahapon. pm-night duty ako. parang wala lang di naman ganon ka-special. nagbatian lang kame ng happy valentine’s day ni kenneth. tas naglokohan lang kami sa teks. nag type ako ng rose na image, ganito:
–‘-<@
sabi ko bigay ko sa kanya. tas ang reply nya sakin,
–‘-<@ 12x
tas yun nagkukulitan lang kami. tas nagnenet lang ako dito sa salas namin.
tapos…
maya-maya…
tinawag ako ni ate glo, nagwawalis si ate glo sa labas. may naghahanap daw sakin na naka-motor. kala ko kung ano. tas pag-silip ko sa pinto, may mama na may dala-dalang:

ang gulat ko eh. di ko nga alam ang gagawin ko. parang natatawa akong hindi pa din ako naniniwala sa nakikita ko. pero di ko muna totally inisip na akin nga yun. malay mo kay chantel o kay tricia. haha. tapos pinakuha ko kay ate glo dun sa mama kase nakasando lang ako at shorts na pangduty. tapos nung nasakin na yung bouquet, eh di syempre may card. yung dalwa kong kapatid (si kim at tricia) nasa tabi ko. nakiki-usyoso kung para kanino nga yun at kanino galing.
To: Glenice
Happy Valentines
I Love You
From: Kenneth
“yeeeeee” sabi nung dalwa kong kapatid sabay na sabay pa. tas parang naka-plaster yung ngiti sa muka ko. haha. di ko talaga inexpect na may pakanang ganun si kenneth. haha. ang kiri eh. hahaha. yun. tas pinagpipikchuran ko na agad bago pa malanta. hehe.
i love you 🙂 pina-special mo ang araw ko kahapon. yeah. haha.
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
