Categories
Life Pals Secrets Wellness

Life Updates: Mga Ka-Pitness + Favourite Note + Stampede

You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

1.

Meron kaming group chat na ang naging pangalan ay ‘Mga Ka-Pitness’. Apat lang kami sa GC na yon (Ako, Kenneth, Nick, at Benson) and since three out of the four ay trying to be healthy and fit, yun na yung naging main topic nung group chat. Ang ironic lang kasi kung sino pa yung doktor (si Benson), sya yung hindi nakikisali sa fitness talks namin. Sya yung hindi healthy ang lifestyle. Kaya niloloko sya ni Kenneth na hypocrite haha. Pero hindi tumatalab yung panloloko kasi wala syang pake sa mga pinaguusapan namin. Pero kahit wala syang ma-ambag, lurker sya nung gc kasi minsan mag-eemoji react sya. I’m hoping that one day, our enthusiasm will rub off on him.

Noong isang araw, tumatawag si Nick at na-confuse ako kasi nung sinagot ko, naka-smirk lang sya tapos hindi nagsasalita. Then ni-flip nya yung camera nya at pinakita nyang nag-lalakad sya sa walking pad. Na-surprise at natuwa ako kasi nabudol ko pala sya haha. Tagal ko na kasi syang kino-convince na bumili rin ng walking pad. Ang dami nyang reasons na wala raw syang pambili (ASA). So na-surprise ako kasi finally, bumili na rin sya.

Sumeseryoso na talaga kami sa fitness namin at nakakatawa kasi nga, hindi naman kami ganito dati. Sabi ni Nick, “Ang galing natin ano? Healthy na talaga tayo. Feeling ko aabot tayo ng 100 y/o.” Tapos pinaalala ko sa kanya yung podcast episode namin years ago na sinabi kong gusto kong umabot ng hanggang 100 y/o, tapos pinagtawanan nya lang ako. Anyway, since meron na ring walking pad si Nick, ang recent topic ng gc namin ay daily steps. Goal daw nila na maka-10k steps a day. Sabi ko ako 7-8k steps goods na.

I’m happy na may isa pa kaming accountability buddy 😄 We will be patiently waiting for you Benson!

2.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

Categories
Life Nutrition Secrets Wellness

Thursday Letter #21: I Prefer This New Version

You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Hindi ko in-expect na magiging bagong tao kami ni Kenneth. Nag-evolve kami into calorie-counting, protein-conscious, outdoor-loving, workout-almost-everyday people. Na-observe ko yung pagbabago, pero hindi sya super obvious kasi madalas bumabalik lang din ako sa dating gawi. Tapos mag-aatempt ako ulit maging healthy-healthy, then fail nanaman. Paulit-ulit na ganun. Pero ngayon, mukang tumatatak na. Nagiging part na talaga sya ng everyday namin. Natatawa na nga lang kami minsan sa mga sarili namin kasi ang layo sa kung ano kami noon. But now it’s our new normal, ika nga.

So pano ko nasabing itong new normal ko (i-exclude ko na si Kenneth kasi ang tagal na nyang consistent) is something that will actually stick? There were signs:

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.