Category: Ramblings
-
Sakit pala sa heart yung kala mo close kayo, magkadugo pa kayo, tapos nalaman mo na naka-hide yung stories nya sayo. Nyare?
-
Hays I’m so sad na nagdadalaga na yung mga bulinggit kong pinsan. Hindi na malambing at hindi na pati namamansin. Yung dati habol na habol sayo at super kulit, ngayon may sarili na talaga silang bubble. Naging teenager naman ako dati so dapat gets ko pero ang hirap kasi tanggapin huhu. Dahil dyan, mas nangangayaw…
-
Kanina punuan sa bus at madami nang mga nakatayo. Yung isang babae sa harap ko, yung seat sa katabi nya eh bag nya ang nakalagay. Nung may nag-attempt umupo sa katabi nya, sabi nya, “I have a personal space problem.” La lang kwento lang.
-
Nagpasabog nanaman ang kalangitan. Nung past few days kasi maulap at ma-snow kaya walang sunrise. Ngayon sobrang maulap pa rin pero pilit nagpakita ang sinag ng araw. Medyo nire-represent ng sky ngayon ang saloobin ko. Salamat at napangiti mo nanaman ako ngayong umaga (which I badly needed).
-
Few days ago nagkaron ako ng sudden urge bumalik ng Japan. Di ko na i-eexplain pero basta paborito ko ang Japan sa lahat ng napuntahan ako. Tapos sabi ko kay Kenneth, punta kaming Japan. Si Kenneth naman sumasakay lang kasi alam naman nyang hindi posible. Tapos eventually, ni-let go ko na rin ang pagde-daydream ko…
-
“Di makatulog sa gabi sa kaiisip..” Anong oras na di pa rin ako makatulog. Nakatulog ako ng 8PM, nagising ako ng 12:30AM. Halos 2hrs na kong nagpipilit bumalik sa tulog pero kung ano-anong tumatakbo sa utak ko na mga random things. Sana makatulog na ko in 3.. 2.. 1.
-
This is the 3rd day na constant yung knot sa chest ko. Siguro made-describe ko sya as parang kinakabahan without the dugdug of the heart. Sabi ng Mama magpa-consult na raw ako at baka may problema ako sa puso. Magpapa-sched ako mamaya. Hindi ito ang first time na naramdaman ko ‘to kaya may tatlo akong…
-
I learned yesterday that women are smarter because we orgasm better. Anong connect you might ask? Tinatamad akong i-explain. Basta nabasa ko lang.
-
Happy (?) New Year. Hays sumama nanaman ang pakiramdam ko. Kala ko pagaling na ko. More than a week na kong may sakit gusto ko nang gumalinggg..
-
Nakakapagbasa na ko which means magaling na ko! Yayy. Ilang araw nang masama ang pakiramdam ko ultimo pagbabasa hindi ko magawa. Naputol yung reading streak ko pero okay lang, gusto ko lang magpagaling. Di rin ako makapagsulat. Naiipon na ang mga kwento ko. For now eto muna.
