Categories
Art Happy Things Life

Happy Things #10

Compliments

I got compliments on my dress nung umabay ako sa kasal ng pinsan ko. Thank yow! I get my confidence boost from other people kasi ang tipid ni Kenneth sa compliments. Feeling ko na-awkward sya. Ewan ko ba dun. Minsan nga ako na lang nagco-compliment sa sarili ko (why not 😂).

My cousin. Pagkakita nya agad sakin, “Wow you look good ate.” Instant boost!

Online Hangouts

Honestly before, hindi ako into online hangouts. Nakaka-distract yung delay at yung talking over each other kasi hindi ganun ka-visible yung cues. Pero since wala naman akong option, I go through it kasi at the end of the day, enjoy pa rin naman. Nakaka-frustrate lang kasi pumapasok sakin yung thought na, “Mas enjoy kung in-person.” Which is true. But again, I don’t have any choice.

Journaling hangout with Glenie. We made a vision board!

Pero lately, unti unti ko na syang naa-accept. Siguro nasanay na rin ako at ine-expect ko na yung mga delays, connection problems, etc. Kaya naman extra na-enjoy ko yung recent online hangouts ko. I think now, I’m coming from a place of gratitude rather than from a place of lack. Na kahit malayo ako, posible pa rin na makausap ko ang iba’t ibang tao galing sa iba’t ibang parte ng mundo kahit gano pa yan ka-choppy or ka-delay.

From a ‘Draw with Me’ session with Tom Frouse (one of my favorite artists) and his patrons 🧡

That’s Me!

Ang surreal lang na mapakinggan ko yung sarili kong boses sa favorite podcast ko. Nag-message na sila sakin mga 1 week before mag-air yung episode—na kung ok lang daw isama nila yung part na nagtanong ako ng question. Kinwento ko agad sa pod sib and real life sib ko (Tricia) right after nila ko i-contact kasi nga super na-amaze ako. Hihi.

Free Food

Ang daming free food nitong mga nakaraang linggo. Ang dami rin kasing gatherings tapos yung tito at tita ko, ang daming pa-ayuda samin na ulam. May bachoy, lumpiang shanghai, crispy pata, bacon-wrapped meatloaf at kare-kare. Masarap pa naman magluto yung tita ko kaya feeling naka-jackpot kami.

Tapos may na-receive din akong e-mail from Goodfood (meal kit delivery service) giving us an $80 voucher which is equivalent to 6 meals sa website nila. Yay!

Daily Journaling

Ang happy ko sa journaling hobby ko. Eto for now yung nagsa-satify ng creative side ko. Unfortunately, hindi pa rin 100% okay yung cubital tunnel syndrome ko kaya di ako maka-todo pag-drawing. But to be honest, wala ako masyado sa mood mag-drawing these days. Siguro nga dahil distracted pa ko dito sa bago kong hobby.

Some of my favorite journal spreads:

Science

Eto kanina lang ‘to mainit-init pa. Kala ko naka-get over na ko sa podcast ni Dr. Andrew Huberman. Pero na-feel kong pakinggan yung new episode nya kasi iba yung format nung episode. Meron syang live audience tapos Q&A session sya.

Ang interesting nung mga questions from the audience and the way nyang sagutin, ang perfect. Yung answers nya ay not too long na kung saan-saan na mapupunta, but not too short na mabibitin ka naman. And bonus, may sense of humor sya (btw mas maganda yung video version na nasa YT).

Sa mga regular episodes kasi, he tends to ramble at nasosobrahan ako masyado sa info. Pero since live event sya at may time limit, nasa sweet spot lang yung pagsagot at pag-explain nya. Ang dami kong notes kasi ang daming useful information. Tapos yung last part may pagka heartfelt and nakaka-feel good. Mukang magbabalik-loob na uli ako sa kanya.

PS: Parang eto yung pinaka-favorite kong drawing ng mga icons. Kung alin pa yung minimal ang binigay kong effort, yun pa yung pinaka-nagustuhan ko. Weird.

PPS: Nabasa ni Kenneth yung sabi ko na hindi nya ko kino-compliment 🤣 Nasa likod ko lang kasi sya, naglalaro ng kung ano mang bago nyang laro sa PC.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s