Category: Free Posts
-
Na-appreciate ko yung “Happy wedding anniversary” greetings sa family group chat without a single comment about pagkakaron ng anak. At kung naglalaro man yun sa isip nila, I still appreciate that they held their tongues (or thumbs). It’s just so refreshing. There’s hope! Boomers are learning!! Sana wag mabati.
-
Nalaman ko na nagbabasa pala ng blog ko ang mga tita ko. Hello Ate Bengsya and Ate Gigi (at kung sino pang family member na hindi ako aware) 😅 I didn’t expect na magiging interested silang magbasa ng mga sinusulat ko, kaya naman yung mga bagay na hindi pa dapat nila malaman, nagkakaron na pala…
