Categories
Hanash

Millionaire > Billionaire

Bakit ang swerte ko? Hindi ako makapaniwala na meron akong MacBook Pro. Meron akong iPad Pro tapos parating na yung Apple Pencil? Tapos meron akong iPhone? Tapos meron akong Airpods?? Tapos padating din yung Apple Watch??? Paano ako napunta dito??

Hindi talaga ako makapaniwala. Ang saya ko ngayon pero ang saya din nung old self ko. Yung mga panahon na bago pa lang akong nagtatrabaho at wini-wish lang sa universe na sana magkaron ako ng mga ganitong bagay. Na kelan ko kayo ‘to mabibili? Anong ginawa ko bakit ako pinagbigyan?

Ang swerte ko talaga. Parang gusto kong sabihin dun sa 23-year old self ko na after 10 years, mabibili nya yung mga ilalagay nya sa wish list nya at mapapaupo na lang sya sa isang sulok at isusulat kung gano sya ka-amazed.

Ewan. Gusto kong magtatalon sa tuwa pero stunned pa rin ako. Si Kylie Jenner kaya nakaka-feel ng ganito. Or bored na sya sa pagiging billionaire. Kaya ayoko talagang maging billionaire eh (asa). Kasi nababawasan yung mga bagay na pwedeng magpasaya sayo. Kasi ang bilis mo lang syang nakukuha kaya nawawalan na ng meaning. Kaya yun ang goal ko sa buhay. Hindi ako magiging billionaire. Millionaire na lang.

🤣🤣🤣

Advertisement
Categories
Hanash Insights Life

What You Really Want

As much as ayokong i-label ang sarili ko na procrastinator kasi hindi sya nakakatulong, madalas talaga ganun ang nangyayari. Or gagawin ko yung isang bagay ng full force for the first 3 days up to a week tapos biglang bababa yung enthusiasm. Alam ko na we have it in us to edit these traits (referencing Atomic Habits) and it’s up to us if we will continue to be like this or have enough willpower to change.

Kaya naman natutuwa ako dito sa binabasa ko ngayon. The title is The Willpower Instinct. Ang dami kong natutunan on how the human mind works in terms of giving in to temptations and gaining self control.

Walnut while I’m writing this blog post

May isang pinaka tumatak sakin which is to utilize our ability to remember what we really want. I always find myself craving sweets. All day everyday. Pero try to question daw if it’s what I really want. Gusto ko ba talaga ng ice cream ngayon or mas gusto kong mag-lose ng weight? Gusto ko ba talagang magspend ng time sa social media or matapos yung librong binabasa ko para mareach ko yung reading goal ko this year?

So siguro try to see the bigger picture and ask myself kung ano ba talaga yung gusto ko. Cookies or abs? 😅 Kasi kung ganun yung line of questioning, nagiging unappealing na yung mga temptations and short term wants. So isa siguro ‘tong magandang tool na gamitin pag naliligaw ako ng landas papunta sa ice cream at cookies at chichirya at kung ano ano pang tukso.