A couple of months ago, I started paying for Etsy ads. What it does is when a potential customer search for something that’s similar to what I offer, my listing will get prioritization and will be placed on the top search. I alloted $1 per day for these Etsy ads hoping to drive more sales ($1 a day is a lot for my small sticker shop). During these months of running ads, I barely make anything. Every sale I make goes to these ad payments and it’s not even driving more sales. There were times when I even owe them money because my sales weren’t compensating for the ad payments. So a few weeks ago, I stopped paying for the ads. Seeing my money disappear like that, having a negative balance on my payment dashboard, it was starting to get depressing.
Category: Money
THEME:
Sink into the Present
I chose this kasi eto yung overarching theme ng mga paboritong non-fiction books na nabasa ko last year. Eto ang sagot sa overthinking, sa anxiety, sa pag-eenjoy, sa pag-create ng good relationships. When I’m truly present, I only focus sa kung anong nangyayari right in front of me, right at this moment. I’m forced to get rid of the past (where it’s nice to revisit sometimes until you get stuck) and the future (where everything is uncertain, pressuring the brain to do a lot of guesswork which leads to overthinking and anxiety). So instead, I will do my best to let the present be my default mode and only pay brief visits to the past and future when needed.
Eto ang mga sinabi kong susubukan kong gawin nung 2022. Bago ako gumawa ng 2023 game plan, ire-review ko muna:
PHYSICAL & MENTAL HEALTH
Goal #1: Make healthy food choices
Outcome: Needs improvement
Nagkakaron ako ng phase na healthy for a few weeks tapos babalik nanaman sa food deliveries. Pero super nag-eenjoy na ko sa mga vegan meals. Minsan pipiliin ko yung vegan option pero hindi ko nafi-feel na may kulang. Kasi may mga vegan/vegetarian meals na masarap naman talaga.
It really is true. Na kahit anong gawin mo, kahit gano ka-harmless or ka-buti sa tingin mo ang isang bagay, may masasabi at masasabi talaga ang mga tao. Nag-stick talaga yun sa isip ko nung sinabi yun nung kaibigan ko (thank you Aryan!) Basta that time namo-mroblema ako sa ipapasalubong ko paguwi ko ng Pinas.

READ THIS IF…
- You want to find out how humility plays an important role in financial independence
- You hope to have a healthy (-ier) relationship with money
- You want some powerful insights if you’re looking to invest or already investing in the stock market
I discovered this book through a YouTuber. Interested ako sa money matters kasi ayaw namin na maging problema ang pera pag retired na kami. Gusto kong maging prepared sa mga pwedeng mangyari. When it comes to budgeting, lahat ng expenses namin up to the very last cent naka-track. Pero lumalagpas pa din kami sa budget. Dumating yung point na na-frustrate ako. Parang wala naman effect yung expense tracking ko. So mas lalo akong naging interested sa book na ‘to kasi parang kulang pa yung alam ko pagdating sa pag-manage ng pera.

Lahat naman tayo gusto na pag nag-retire tayo, sapat yung pera natin. Pero feeling ko kasi hindi pa ko sobrang knowledgeable para ma-achieve yung financial independence. Ang hirap nung gusto mo lang pero hindi mo naman inaalam kung pano. Kaya curious ako kung anong matuturo ng book na ‘to. And gusto ko rin yung title kasi hindi sya yung tipong, “How to be a Millionaire in 90 Days” (whut) or “How to be Filthy Rich”. Gusto ko yung The Psychology of Money.
To rephrase an old saying: everyone talks about retirement, but apparently very few do anything about it.
Yung pinambili ko ng Cricut, printer at materials para masimulan yung sticker shop ko, nabawi ko na 😁

Siguro nasa $1,000 yung pinuhunan ko para makapagsimula. And nabawi ko na! 😁 Kumita pa ng $25 (1k pesos). Yahoooo!
As of now sarado pa din yung shop ko kase lilipat na kami sa bagong apartment sa Saturday. Excited na ko pero paniguradong pagod nanaman kami sa paglilipat. 😩

Wala kaming pasok ngayon ni Kenneth pero ang busy ng araw na to.
- Nagpacheckup ako and diniscuss kung anong nangyari dun sa surgery ko nung November 8. Ayos naman daw, mukang natanggal naman ang dapat matanggal. Plus Letrozole. Plus may binayaran kaming $650 (Php 26k) na IVF registration fee. Wala lang yun as in registration lang. Naka-lista lang pangalan mo. Napaka-mahal eh. Non-refundable pa.
- Pumunta kami sa mall (Polo Park) at namili pa ko ng extra pasalubong. Grabe wala na talaga kaming pera. As in pa-negative na. Hindi ko matiis na hindi bumili kahit wala na talaga kaming budget. Hays.
- Pumunta kami sa isa pang mall (Winnipeg Outlet). Again, pasalubong. Tapos binalik namin yung mugs na binili namin last week. Haha. Ganito kasi yun. May Christmas party sa Dec 25 yung mga Filipino community dito ng mga tito ko. It comprises of mga 8-10 families. Sabi ng tito ko, magbigay daw kami ng something sa bawat pamilya kase ganun daw sila. So kahit alam ko sa utak ko na paubos na nga yung pera namin, na-pressure ako. So nung may nakita kaming mga naka-sale na mugs na $9 (Php 360) each, yun na yung naisip kong ipang regalo sa mga pami-pamilya. So times mo sa 8, $72 din yun! Mug sya na may parang nakabalot na crochet dun sa pinakang body tapos may box of hot chocolate sa ibabaw. Basta ganun, hindi sya basta basta mug. So ayun nga. Binalik namin. Haha. Wala na kong pake kung anong sabihin ng tito ko o nila na wala kaming regalo. Na-pressure and nahiya lang talaga ko nung una. Kasi ang thinking ko kahit noon pa, bakit ka magreregalo kung alam mo namang wala kang budget. Siguro ayaw kong masabihan na kuripot ako kahit totoo namang wala lang talaga kaming extra na pera. Feeling mo kasi na hindi ka papaniwalaan. And totoong kuripot ako pag wala akong pera pero pag meron ang generous ko. Eh ang problema, nagpapaka-generous ako ngayon kahit wala na nga kaming pera. So kelangan kong pigilan ang sarili ko. Kelangan magpaka-practical. Sabi ko nga kay Kenneth, wag na kong regaluhan sa birthday ko. Kahit nasweet-an ako, medyo nainis ako na may binili pa ding regalo. Sumasakit talaga ulo kakaisip ng bayarin namin sa credit card. Umabot na sya ng $1,700 (almost Php 70k) eh uuwi pa kami ng Pilipinas next year. Hays. Hindi kasi ako sanay na may utang kaya hindi ako mapakali. Eto nagsisimula na namang sumakit. Tapos pa, meron akong need na mag-explain sa kanila (sa pamilya ko) na wala akong masyadong pampasalubong. Pwede bang matic na na maisip nila na kaya konti ang pasalubong ko is dahil kulang ang budget namin hindi dahil nagkukuripot ako? Pwede bang yun yung maisip nila? Nasstress talaga ako. Para bang sobrang kelangan kong i-defend yung sarili ko at mag-explain ng todo para mapapaniwala sila. Lalo pa nung sinabihan ako ng tita ko na, “Ang dami nyo na sigurong ipon pampasalubong.” Kahit ba sabihin na pabiro lang yun, nakakadagdag sya sa pressure. Pag sinabi mong, “Wala nga ang daming bayarin.” feeling mo hindi ka pinapaniwalaan. Pano kaya namin babayaran yung $1,700 na yun. Hays.
- Ganun pa man, masaya pa din in general ang araw na to. For some reason, super okay ang bonding namin ni Kenneth ngayon. Na-feel ko ulit na super love na love namin ang isa’t isa tapos tawanan lang kami. 8 years na kasi kaming magkasama so hindi mo makakaila na nag-fade na yung super kilig moments. Pero ngayon bumalik ng konti. Nakatulong din siguro yung pagkain kasi ang sarap nung mga inorder namin. Hehe. Since ang mahal nung bill namin, sabi ko yun na yung birthday celeb ko kahit 2 days to go pa bago ako mag-birthday.
- After nitong mga to, pagod na kami. Lalo na ko kasi naka-upo lang naman sya tapos ako yung nag-iikot paghahanap ng pasalubong. Paguwi namin ang sakit pa din ng ulo ko so nagpamasahe ako kay Kenneth. Nakatulog ako agad haha. Di na kami nakapag-record ni Nick ng Ketchup Pepisode. Yun talaga ang pinaka-stress reliever ko pag minamasahe ni Kenneth yung ulo ko.
- Nagising ako ng mga past 12 midnight tapos gising pa din sya. Nanonood sya ng video ng nagluluto ng chicken. Tapos tinatawanan namin si tita kasi nakakatawa yung mga side comments nya habang nagluluto sya. Ayun masaya pa din hanggang sa pagtulog. Sana laging ganito para naman hindi miserable yung buhay namin dito sa Canada. Exaggerated lang yung miserable pero talagang mas masaya kasi sa Pinas.