Categories
Hanash Happy Things Life

Fake Twitter #29

Nagpasabog nanaman ang kalangitan. Nung past few days kasi maulap at ma-snow kaya walang sunrise. Ngayon sobrang maulap pa rin pero pilit nagpakita ang sinag ng araw. Medyo nire-represent ng sky ngayon ang saloobin ko. Salamat at napangiti mo nanaman ako ngayong umaga (which I badly needed).

Advertisement
Categories
Hanash Travel

Alone Time

Few days ago nagkaron ako ng sudden urge bumalik ng Japan. Di ko na i-eexplain pero basta paborito ko ang Japan sa lahat ng napuntahan ako. Tapos sabi ko kay Kenneth, punta kaming Japan. Si Kenneth naman sumasakay lang kasi alam naman nyang hindi posible. Tapos eventually, ni-let go ko na rin ang pagde-daydream ko kasi alam ko rin na hindi nga posible ngayon.

Categories
Hanash

2:18 AM

“Di makatulog sa gabi sa kaiisip..” Anong oras na di pa rin ako makatulog. Nakatulog ako ng 8PM, nagising ako ng 12:30AM. Halos 2hrs na kong nagpipilit bumalik sa tulog pero kung ano-anong tumatakbo sa utak ko na mga random things. Sana makatulog na ko in 3.. 2.. 1.

Categories
Hanash Health

Chestnut

This is the 3rd day na constant yung knot sa chest ko. Siguro made-describe ko sya as parang kinakabahan without the dugdug of the heart. Sabi ng Mama magpa-consult na raw ako at baka may problema ako sa puso. Magpapa-sched ako mamaya.

Hindi ito ang first time na naramdaman ko ‘to kaya may tatlo akong naiisip na rason:

Categories
Hanash

Fake Twitter #28

I learned yesterday that women are smarter because we orgasm better. Anong connect you might ask? Tinatamad akong i-explain. Basta nabasa ko lang.

Categories
Hanash Health

Fake Twitter #26

Happy (?) New Year. Hays sumama nanaman ang pakiramdam ko. Kala ko pagaling na ko. More than a week na kong may sakit gusto ko nang gumalinggg..

Categories
Hanash

Fake Twitter #25

Nakakapagbasa na ko which means magaling na ko! Yayy. Ilang araw nang masama ang pakiramdam ko ultimo pagbabasa hindi ko magawa. Naputol yung reading streak ko pero okay lang, gusto ko lang magpagaling. Di rin ako makapagsulat. Naiipon na ang mga kwento ko. For now eto muna.

Categories
Hanash

Faux Aurora Borealis

It’s Christmas Eve! Na-boost yung mood ko pagtingin ko sa bintana. Hindi ma-capture ng maayos nung camera ko pero greenish yung sky ngayon 🤍 First time ko ‘to mapansin kaya super na-excite ako. Bigla ko naalala yung aurora borealis kasi green. Kelan kaya ako makakakita ng aurora borealis. Yung as in legit.

Sobrang faint dito pero in real life kitang kita yung green. Para syang cerulean green 😍
Categories
Hanash Life

Fake Twitter #24

Nagpadala ako ng pangkain sa kanila at super ganda nung cake ko 😻 Sayang di ako nakatikim. Alam kong masarap ‘to kasi same yung gumawa nito at nung cake namin nung civil wedding namin. Katakam 😭

Best cake ever
Categories
Hanash

New Job at Kyoto

It’s 2:50 AM at bumangon ako para isulat yung napanaginipan ko. Natuwa kasi ako. May bago raw akong job sa Toronto. Tapos pagdating ko sa Toronto, nalaman ko na katabi nya lang pala ang Kyoto. Wow. Haha. Pinilit lang talaga yung pagkagusto ko sa Japan. Tapos hindi raw talaga sa Toronto yung job ko, sa katabing lugar pala which is sa Kyoto nga. Yayy.

Categories
Books Hanash

Fake Twitter #23

Love the matchy-matchy tabs.

Categories
Hanash Insights Money

Enough is Enough is Enough…

It really is true. Na kahit anong gawin mo, kahit gano ka-harmless or ka-buti sa tingin mo ang isang bagay, may masasabi at masasabi talaga ang mga tao. Nag-stick talaga yun sa isip ko nung sinabi yun nung kaibigan ko (thank you Aryan!) Basta that time namo-mroblema ako sa ipapasalubong ko paguwi ko ng Pinas.

Categories
Hanash

Fake Twitter #22

Na-realize ko bigla na wala na pala kong lolo. At dadating ang panahon na mawawalan na rin akong lola. Hays. Gusto kong maging lola. Kaso pano yun, ayokong maging nanay. Sana gustuhin kong maging nanay para magi akong lola.

Wearing my lolo’s shirt 🤍
Categories
Hanash Life

Fake Twitter #20

After kong pakinggan yung interview ni Mary Oliver, hindi na ko takot mamatay.

Categories
French Hanash

Fake Twitter #19

Ilang days na kong nag-f-French sa panaginip ko. Tuloy, ang bagal kong magsalita tapos paulit-ulit ako kasi hindi ko sure kung tama yung grammar. Hindi tuloy makausad yung nangyayari sa panaginip ko.